Isinulat ni: Ric
Steven J. Moreno
Isang magandang Araw po sa inyung lahat.
Gusto ko po samahan ninyu
kami sa biyahe namin. Pupunta po kami sa isang napakagandang Lugar dito sa
Pilipinas ang God Little Paradise "BOHOL Island".
Tara na mga biyahero, alas 10 ng gabi po ang biyahe at apat na oras po ang biyahe galing daungan ng Cebu City sa Pier 1 at dadaung tayo sa Tubigon, Bohol.
At pagdating sa daungan ng Tubigon Bohol agad naman kami sinundo ng kaibigan namin at may dalang sasakyan na van, habang papunta kami sa tuluyan namin malapit lang naman sa pier sobrang excited napo namin, kaya pag dating sa bahay ng kaibigan namin natulog agad kami dahil pagud sa biyahe, nahilo panga ang iba.
Kinabukasan mag sisimula na ang Biyaheng ishtibin. alas 7 palang ng umaga tapos na ang lahat at sobrang excited na.
Ang unang pinuntahan namin na lugar ay ang SAGBAYAN PEAK. dito po ay nakikita namin ang napa kagandang "Chocolate Hills" at ang Cebu.
Ikalawang pinuntahan namin ay sa Carmen, Bohol.
Dito po natin matagpuan ang
napakaraming CHOCOLATE HILLS, pwede din tayu mag ATV dito at iba pa.
Tapos namin nakita ang magandang tanawin sa Sagbayan Peak at Carmen Bohol kaming lahat ay namangha sa kagandahan ng Bohol, totoo nga na GOD LITTLE PARADISE ang Bohol Island wala na kaming masabi pa.
Iksakto alas 11 na ng umaga papunta na kami sa Loboc River at doon kami mag tatanghalian dahil sabi ng lahat masarap daw doon at sa bangka na ginawang restaurant pa kayo kakain at magbaybay ang bangka sa napa kalinis at maganda na ilog habang kumakain kami at EAT ALL YOU CAN pa busog na busog po kaming lahat.
Pagkatapos namin kumain bumabiyahe agad kami papunta sa Man Made Forest. Pagdating namin agad kaming bumaba ng sasakyan dahil mangha na mangha po kami sa kagandahan. nagpa picture agad kami.
Pagkatapos ng mahabang biyahe namin, hindi namin makakalimutan ang isang araw dito sa God Little Paradise BOHOL dahil sa mga magandang lugar sa mga masarap na pagkain at lalo na ang mga tao dito sa Bohol.
BIYAHENG ISHTIBIN! ![❤](file:///C:\Users\user\AppData\Local\Temp\msohtmlclip1\01\clip_image002.gif)
![❤](file:///C:\Users\user\AppData\Local\Temp\msohtmlclip1\01\clip_image002.gif)
No comments:
Post a Comment