Thursday, October 19, 2017

Ang Natatanging Hiyas ng Cebu

Isinulat ni: James V. Alforque

Maaliwalas at magandang araw sa inyo mga kaibigan! Sama ka sa biyahe ko at maglakbay sa iba't ibang lugar ng Visayas. Ang una nating lakbayin ay ang lugar ng Dalaguete, Cebu City. Sikat ang lugar na ito dahil sa mga mala-higanteng mga bukirin at ang malamig na klima. Yan ang sabi-sabi na aking mga narinig sa mga kakilala ko. Pero hindi ako naniwala kasi ika nga nila "To see is to believe". Kaya maglakbay tayo at magtuklas ng mga magagandang tanawin, kultura nito, at ang mga tao.


Wala na kaming inaksayang panahon at agad na naming sinimulan ang biyahe mula sa Cebu City hanggang Dalaguete para kami ay makapagpahinga sa aming patutuluyan. Nasadaan pa lang, pero kahanga-hanga na ang iyong makikita. Mga berdeng puno na kay taas at kay ganda tingnan. Ang daan na iyong tatahakin ay sobrang ganda at halos maiisip mo na ayaw ko nang umaalis sa lugar na ito. Samahan pa ng malamig na klima na para bang ikaw ay nasa Baguio City at mga fog na makikita sa daan na para bang inaakit ka na magpunta sa lugar na ito palagi.
Una naming pinuntahan ay ang sikat na Strawberry Farm ng Dalaguete. Andaming strawberries ang makikita mo sa farm na ito pero hindi mo ito basta-basta namaukit o makuha dahil ito ay bawal. Pero, pwede mong mabibili ang mga strawberries na hinandana para saturista.
















Sa aming pagbabiyahe patungo sa aming destinasyon, may nakita kaming maraming repolyo sa gilid ng kalsada. Maya-maya, napag-alaman namin na ito pala ay ang espesyalidad ng kanilang lugar. Sagana ito sa kanilang lugar dahil sa klimang mayroon sila. Halos lahat ng repolyo na nabibili natin sa mga merkado at mall ay nanggaling sa Dalaguete.


Ang susunod nating puntahan ay ang sumakit mataas na bundok na tinatawag sa mga taong nakatira dito na Kandungaw Peak. Sabi ng mga nakatira dito, kaya raw itong tinawag na Kandungaw Peak dahil noong unang panahon dumudungaw daw ang mga Hapones sa ibaba kung may mga Pilipino bang nagtatago o tumakas sa kanilang pamamahala. At ang peak na ito ang nagsisilbing taguan ng mga Pilipino dahil sa mga kuweba na nakatago sa ibabang parte ng Peak. Hindi lang ang Kandungaw Peak ang nandito kundi marami silang nakapalibot. May Lover & Apos Peak na pwede mong puntahan kasama ang kasintahan para magpalipas ng oras. Sunset Peak na kung saan matatanaw mo sa iyong harapan ang kagandahan ng paglubog ng araw. Marami pang mga Peak ang nakapalibot dito pero wala pang pangalan ang iba sa mga ito.





Yan na muna mga kabiyahero. Sa susunod na pagbiyahe ko sa ibang lugar, siguradong mamangha kayo ulit sa mga lugar sa ating pupuntahan. Magandang Araw!

No comments:

Post a Comment