Thursday, October 19, 2017

Ang Natatagong kagandahan ng Visayas

Isinulat ni: Jomarie F. Cajes

                Magandang Araw! Ngayon ay dadalhin ko kayo sa isa sa mga magagandang tanawin na matatagpuan mo sa kabihasnan ng Visayas, hindi ito isang sikat na tourist spot, or pasyalan. Ito lamang ay pawang lugar na sa tingin mo ay sobrang simple lang kung tignan, pero ang panglabas na anyo ay sadyang makapagpanggap.

                Ang Lugar na ito ay makikita sa Negros Occidental, sa lugar na tinatawag na Moises Padilla. Ang lugar na yan kay kagaya lamang sa ibang lugar na matatagpuan mo sa mga lugar na pagtatanim ang kinabubuhay, pero ang lugar na iyan ay sobrang espesyal na hinding-hindi matutumbasan ng kahit na anong lugar sa Visayas. Ang mga bukiran dito kay sobrang ganda ng mga tanawin ang imong makikita kahit saan kaman magsususot.  May mga kagubatan o di kaya makikita mo ang isa sa mga pinakamangandang bulkan sa Negros Occidental, Ang Mt. Canla-on, ang bulkan na ito ay may taas na 2,435 metre at isa itong active na bulkan, ibig sabihin hindi pa matagal ng huling pagsabog nito noong 2006.
               
                Hindi lamang ang Mt. Canla-on ang makikita mo dito, sobrang ganda rin ng patag dito na pwede mong gawing lugar ng iyong pag pipiknik at pag papahinga dahil sobrang aliwalas ng hangin dito na hindi kagaya ng sa lungsod. Kapag malapit na dumilim, makikita mo rin ang pinaka mganda na tanawin, Ang sunset, iba ang sunset dito dahil kitang-kita mo talaga ang paglubog ng araw at mararamdaman mo rin na padilim na nga.

                Kapag sa kapanahonan ka naman ng pag-ani pumunta, makikita mo ang mga tao na nag-aani sa kanilang mga pananim, pwede ka ring tumulong kung gusto mong maranasan ang buhay sa bukid.


                Ang Negros ay isa sa mga lugar lamang sa Visayas na mayroong magagandang natatagong tanawin na hinding-hindi mo makikita kahit saan mang lupalop ng mundo.




No comments:

Post a Comment