Thursday, October 19, 2017

Ang Natatagong kagandahan ng Visayas

Isinulat ni: Jomarie F. Cajes

                Magandang Araw! Ngayon ay dadalhin ko kayo sa isa sa mga magagandang tanawin na matatagpuan mo sa kabihasnan ng Visayas, hindi ito isang sikat na tourist spot, or pasyalan. Ito lamang ay pawang lugar na sa tingin mo ay sobrang simple lang kung tignan, pero ang panglabas na anyo ay sadyang makapagpanggap.

                Ang Lugar na ito ay makikita sa Negros Occidental, sa lugar na tinatawag na Moises Padilla. Ang lugar na yan kay kagaya lamang sa ibang lugar na matatagpuan mo sa mga lugar na pagtatanim ang kinabubuhay, pero ang lugar na iyan ay sobrang espesyal na hinding-hindi matutumbasan ng kahit na anong lugar sa Visayas. Ang mga bukiran dito kay sobrang ganda ng mga tanawin ang imong makikita kahit saan kaman magsususot.  May mga kagubatan o di kaya makikita mo ang isa sa mga pinakamangandang bulkan sa Negros Occidental, Ang Mt. Canla-on, ang bulkan na ito ay may taas na 2,435 metre at isa itong active na bulkan, ibig sabihin hindi pa matagal ng huling pagsabog nito noong 2006.
               
                Hindi lamang ang Mt. Canla-on ang makikita mo dito, sobrang ganda rin ng patag dito na pwede mong gawing lugar ng iyong pag pipiknik at pag papahinga dahil sobrang aliwalas ng hangin dito na hindi kagaya ng sa lungsod. Kapag malapit na dumilim, makikita mo rin ang pinaka mganda na tanawin, Ang sunset, iba ang sunset dito dahil kitang-kita mo talaga ang paglubog ng araw at mararamdaman mo rin na padilim na nga.

                Kapag sa kapanahonan ka naman ng pag-ani pumunta, makikita mo ang mga tao na nag-aani sa kanilang mga pananim, pwede ka ring tumulong kung gusto mong maranasan ang buhay sa bukid.


                Ang Negros ay isa sa mga lugar lamang sa Visayas na mayroong magagandang natatagong tanawin na hinding-hindi mo makikita kahit saan mang lupalop ng mundo.




Biyaheng Ishtibin ❤ :BOHOL -God Little Paradise-

Isinulat ni: Ric Steven J. Moreno


Isang magandang Araw po sa inyung lahat.

Gusto ko po samahan ninyu kami sa biyahe namin. Pupunta po kami sa isang napakagandang Lugar dito sa Pilipinas ang God Little Paradise "BOHOL Island".

"MAG IMPAKI NA!

Tara na mga biyahero, alas 10 ng gabi po ang biyahe at apat na oras po ang biyahe galing daungan ng Cebu City sa Pier 1 at dadaung tayo sa Tubigon, Bohol.

At pagdating sa daungan ng Tubigon Bohol agad naman kami sinundo ng kaibigan namin at may dalang sasakyan na van, habang papunta kami sa tuluyan namin malapit lang naman sa pier sobrang excited napo namin, kaya pag dating sa bahay ng kaibigan namin natulog agad kami dahil pagud sa biyahe, nahilo panga ang iba.

Kinabukasan mag sisimula na ang Biyaheng ishtibin. alas 7 palang ng umaga tapos na ang lahat at sobrang excited na.

Ang unang pinuntahan namin na lugar ay ang SAGBAYAN PEAK. dito po ay nakikita namin ang napa kagandang "Chocolate Hills" at ang Cebu.

Ikalawang pinuntahan namin ay sa Carmen, Bohol.
Dito po natin matagpuan ang napakaraming CHOCOLATE HILLS, pwede din tayu mag ATV dito at iba pa.

Tapos namin nakita ang magandang tanawin sa Sagbayan Peak at Carmen Bohol kaming lahat ay namangha sa kagandahan ng Bohol, totoo nga na GOD LITTLE PARADISE ang Bohol Island wala na kaming masabi pa.

Iksakto alas 11 na ng umaga papunta na kami sa Loboc River at doon kami mag tatanghalian dahil sabi ng lahat masarap daw doon at sa bangka na ginawang restaurant pa kayo kakain at magbaybay ang bangka sa napa kalinis at maganda na ilog habang kumakain kami at EAT ALL YOU CAN pa busog na busog po kaming lahat.

Pagkatapos namin kumain bumabiyahe agad kami papunta sa Man Made Forest. Pagdating namin agad kaming bumaba ng sasakyan dahil mangha na mangha po kami sa kagandahan. nagpa picture agad kami.

Pagkatapos ng mahabang biyahe namin, hindi namin makakalimutan ang isang araw dito sa God Little Paradise BOHOL dahil sa mga magandang lugar sa mga masarap na pagkain at lalo na ang mga tao dito sa Bohol.

Maligayang pag babiyahe po mga kaibigan. Sa uulitin po.


BIYAHENG ISHTIBIN! ❤









Ang Natatanging Hiyas ng Cebu

Isinulat ni: James V. Alforque

Maaliwalas at magandang araw sa inyo mga kaibigan! Sama ka sa biyahe ko at maglakbay sa iba't ibang lugar ng Visayas. Ang una nating lakbayin ay ang lugar ng Dalaguete, Cebu City. Sikat ang lugar na ito dahil sa mga mala-higanteng mga bukirin at ang malamig na klima. Yan ang sabi-sabi na aking mga narinig sa mga kakilala ko. Pero hindi ako naniwala kasi ika nga nila "To see is to believe". Kaya maglakbay tayo at magtuklas ng mga magagandang tanawin, kultura nito, at ang mga tao.


Wala na kaming inaksayang panahon at agad na naming sinimulan ang biyahe mula sa Cebu City hanggang Dalaguete para kami ay makapagpahinga sa aming patutuluyan. Nasadaan pa lang, pero kahanga-hanga na ang iyong makikita. Mga berdeng puno na kay taas at kay ganda tingnan. Ang daan na iyong tatahakin ay sobrang ganda at halos maiisip mo na ayaw ko nang umaalis sa lugar na ito. Samahan pa ng malamig na klima na para bang ikaw ay nasa Baguio City at mga fog na makikita sa daan na para bang inaakit ka na magpunta sa lugar na ito palagi.
Una naming pinuntahan ay ang sikat na Strawberry Farm ng Dalaguete. Andaming strawberries ang makikita mo sa farm na ito pero hindi mo ito basta-basta namaukit o makuha dahil ito ay bawal. Pero, pwede mong mabibili ang mga strawberries na hinandana para saturista.
















Sa aming pagbabiyahe patungo sa aming destinasyon, may nakita kaming maraming repolyo sa gilid ng kalsada. Maya-maya, napag-alaman namin na ito pala ay ang espesyalidad ng kanilang lugar. Sagana ito sa kanilang lugar dahil sa klimang mayroon sila. Halos lahat ng repolyo na nabibili natin sa mga merkado at mall ay nanggaling sa Dalaguete.


Ang susunod nating puntahan ay ang sumakit mataas na bundok na tinatawag sa mga taong nakatira dito na Kandungaw Peak. Sabi ng mga nakatira dito, kaya raw itong tinawag na Kandungaw Peak dahil noong unang panahon dumudungaw daw ang mga Hapones sa ibaba kung may mga Pilipino bang nagtatago o tumakas sa kanilang pamamahala. At ang peak na ito ang nagsisilbing taguan ng mga Pilipino dahil sa mga kuweba na nakatago sa ibabang parte ng Peak. Hindi lang ang Kandungaw Peak ang nandito kundi marami silang nakapalibot. May Lover & Apos Peak na pwede mong puntahan kasama ang kasintahan para magpalipas ng oras. Sunset Peak na kung saan matatanaw mo sa iyong harapan ang kagandahan ng paglubog ng araw. Marami pang mga Peak ang nakapalibot dito pero wala pang pangalan ang iba sa mga ito.





Yan na muna mga kabiyahero. Sa susunod na pagbiyahe ko sa ibang lugar, siguradong mamangha kayo ulit sa mga lugar sa ating pupuntahan. Magandang Araw!

Cebu At Ang Kagandahan Nito

Isinulat ni: James Don Edward R. Yuson

Sentrong Bayan ng Cebu at ang pinaka luma na lungsod ng pilipinas dito makikita mo ang kahanga-hanga nga Basilica Minore del Sto Niño. Isang symbolismo ng pagsulong at pagmulan nga Kristyanismo sa Pilipinas at ang pinakalumang Roman catholic nga simbahan sa Pilipinas. Ang Basilica ay iba dahil sa kaniyang Earthquake baroque nga arkitektura at disenyo na pinagdagsaan ng turista at mga deboto sa bansa. Pero alam mo bah ang Debosyon ng mga deboto ang naging isa ring rason bakit maraming dayohan ang pumunta sa Cebu lalo nah kapag pista ni Senor Sto Niño. Ang gandang tanawin talaga ngunit noong bata palang ako noon pero naalala ko parin gaano ka kamahal nila ang panghinuon at gusto ko maranasan yan ulit kagaya noun kasama ang pamilya ko, gusto ko makita,marinig at maramdam ulit yon.

Sa wakas, Pista nah ni Señor Sto Niño makikita muna ang makulay na bandereta nah inasabit sa mga tao upang mahanda na ang lahat para sa pista. Ang Basilica ay puno nang deboto sa iba't sulok ng mundo pumunta dito upang sumali sa kadakilaan na Pangyayari sa Cebu at upang maka pangtakilik sa kanilang mahal na Santo na si Senor Sto Niño. Marinig mo ang papuri at kagalakan sa labas palang ng simbahan at kahit na sa labas ang ibang deboto ipinapakita parin nila ang debosyon at pagmamahal kay Señor Sto Niño. Maramdaman mo talaga gaano ka mahal nila ang diyos at gaano ka kalakas ang pananampalataya ng bawat deboto nah dumalo sa simbahan nito. Makita mo kung ano ka Importante ang simbahan at ang diyos sa buhay ng mga Cebuano dahil pwede itong isang paaran upang mapagsama sila lahat at mag manalangin sa diyos dahil" Ang pamilyang magkasama manalangin ay Mananatili magkasama habang buhay".


Ang realisasyon ko sa aking byahe ay nstutunan ko nah ang mga Cebuano ay tapat at malakas ang pananalampalataya sa diyos kahit anumam na relihiyon ay parte ang diyos sa buhay ng mga Cebuano. Pinagmamalaki nila ang pagmamahal nila sa diyos kahit anuman mangyari sa buhay nila dahil sa tulong ng mga iba't- ibang simbahan mas pinatibay ang pananampalataya ng cebuano sa diyos. Ang mga mabuting asal ng mga tao dito ay ipinagkaloob sa mga henerasyon upang ipinag malaki rin nila ang mga asal na natutunan nila sa kanilang magulang at mga ninuno. Well, dito muna nagtatapos ang Byahe nstin at sa susunod na byahe bye!!! .





“TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN” ( NEGROS ORRIENTAL)

Isinulat ni: Chuwela B. Tano


Ang Negros Oriental ay isa sa mgal ugar na kinagigilikan ng mga tao. Ito ay isang lalawigan na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Visayas. Maraming mga puno, sariwa ang hangin at higit sa lahat may mabubuting mga tao na sasalubong sayo.


Sa di kalaunan bawat araw na sumiskat, Ay iyong nadaraman na parang nakalimutan mo ang mga problema mo sayong buhay. Kaya marami din ang mga “foreigner” ang dumadayo sa lugar na ito. May mga salita o linguahe din sila na bag-o sa iyong pandinig kagaya ng Katolisismo.


Hindi lang yan, masasarap rin ang kanilang mga pagkain na iyong matitikman na talagang panibago sa iyong panlasa. Hindi rin mawawala ang mga pagkaing dagat na kung itoy tingnan ay nakaka-iba. Nakakamangha din dito, kasi may mga lugar sila na may “sentimental value”. Kung may balak man kayong ikutin ang mudo, subukan nyo ang lugar na kung saan sapat na gusto at sa budget nyo. 

Choose Negros Oriental!






Kagandahan ng Boracay

 Isinulat ni: Aisah G. Saadoden


Bilang isang mamamayan n gating bansa, nais kong puntahan ang iba’t ibang lugar na may kanais – nais na mga tanawin. Lalo na sa mga lugar na tinatangkilik ng mga turista, nagpunta ako rito upang malaman ko kung san at paano nga ba ganoon ang kaganhan ng lugar sa boracay.




Ang Boracay ay ang isa sa dinadarayo ng mga turista kaya gusto kung puntahan dahil sa kagandahan nito. Nang Makita ko ang maputing buhangin ito nay ka akit- akit.




Simpre dahil pagod ang pagbiyahe, hinanap ko ang kilalang pagkain sa boracay. Napaka raming mapagpipilian pagkainan at kakainin.Pangunahin pagkain nila ay ang pagkaing pang dagat, kaya ito na ang akin tinikman grabe! Napakasarap.




Sinubukan ko na rin ang mga actividad doon ang tinatawag nilang
“banana boat” ang saya nito. Makikita mo ang kalagitnaan ng dagat at mararamdaman mo ang lamig ng tubig.





Sa nakapapagod na paglalakbay ay napaupo ako sa buhangin at napatingin sa magandang “sunset” ang paglubong ng araw. Isa na rin ito sa makikita mo sa boracay. Grabe ang saya kaya pala ito dinadarayo dahil sa kagandang tagal ng makikita rito.



KABIGHA-BIGHANING GANDA NG SARILING ATIN (BANTAYAN ISLAND)

Isinulat ni: Mary Faith B. Tinapay

Ang bantayan island ay isang lugar kung saan marami ang mga dumadayo. Ito ay makikita sa dagat ng Kabisayaan na nasa hilagang dulo ng pulo ng Cebu. Marami kang makikitang mga nagagandahang resort na may ibat-ibang mga serbisyo at higit sa lahat marami kang makikilalang mabubuting tao na siya naming nagsisilbing tour guide.

          Sa hindi mo inaasahan ay mararamdaman mo na para kang hindi lumayo sa kinaroroonan mo dahil lang sa mga bagay, pag trato at mga pagkain na siya namang paborito natin. May sariwang hangin na naamoy mo, ang sikat ng araw na napaka ganda, mga pagkain nga kisarap-sarap at mga sariwnag isda o mga pagkaing dagat. May mga dayuhan naaliw sa mga bata, mga okasyon na nagaganap. May matutunan ka ring mga salitang hindi mo sanay na gamitin.



          Hindi lang yan, ang kanilang resort na kilala ngayon na “CAMP SAWI” ay naging sikat dahil lang sa isang pelikula na pinapakita ang ganda ng kanilang paligid. Simula non ay naging bantog iyon at dinadayuhan ng nakakarami. Kaya saan pa kayo, punta na sa Bantayan Island para maransan ang ganda ng sariling atin.